Friday, November 2, 2012

50 Cent: Hindi ko na kasosyo si Mayweather Jr.


Tinuldukan na ng sikat na rapper na si 50 Cent ang mga tsismis kaugnay sa umano'y pag-anghang ng kanilang samahan ni pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. bilang kasosyo sa boxing promtions na TMT Promotions.

Sa kanyang Twitter message nilinaw ni 50 Cent na ang tunay na pangalan ay Curtis Jackson, na ang TNT o "The Money Team" promotions ay pinalitan na niya ng SMS Promotions.

"TMT IS OVER. The Money team is no longer a team. So it's SMS Promotions. That's it. That's all."

Ang SMS Audio ay ang pangalan din na headphone product line ng rapper.

Isa sa mga boskingero na nasa ilalim ni 50 Cent ay si featherweight boxer Billy Dib na nakatakdang idepensa ang korona bilang undercard sa laban nina Miguel Cotto at junior middleweight titleholder Austin Trout sa Dec. 1 na gaganapin sa Madison Square Garden sa New York. (espn)

Source : BomboRadyo