Thursday, November 1, 2012

Mayor inireklamo matapos umano'y manampal ng botante


TACLOBAN CITY - Inireklamo ng pananampal si Catbalogan City Mayor Coefredo “Tekwa” Uy ng isang botante nang magparehistro umano ito sa Comelec noong nakarang Oktubre 31 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Christian Halayahay ng Purok 2 Brgy. Guin Surungan ng nasabing lungsod, sinahaman niya ang kaniyang kaibigan at tiyuhin upang humabol sa huling araw ng rehistro ngunit hindi na sila nabigyan pa ng tsansa upang makapagparehistro.

Mag-aalas-5:00 na umano ng hapon ay pinalista na lamang ng Comelec ang lahat ng mga nasa kanilang tanggapan pa upang mabigyan ng pagkakataon.

Ngunit sa second floor kung saan naroon ang Mayor's Office ay lumabas umano ang alkalde at pinapuntahan ang nagrereklamo ng mga tauhan nito na tinapakan ito sa paa at saka sinampal.

Wala umanong makitang dahilan si Halayahay upang magawa ng alkalde ang naturang insidente.

Matapos na mapahiya ay pursigido ngayon ang biktima na magsampa ng kaso laban sa alkalde.

Inaaantay naman ang magiging kasagutan ng mayor sa naturang alegasyon.

Source: BomboRadyo
Photos: Google.com