Wednesday, January 9, 2013

Chiz Excudero Alam na may mga tutol sa pamilya sa rel. niya kay Heart


Sa kabila ng pagkakaroon ng magkaibang mundo sa kani-kanilang career, kapwa kontento raw sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa kanilang relasyon bilang magkasintahan.


The feeling is mutual para sa 27-year-old actress at 43-year-old senator kahit pa walong buwan pa lamang ang kanilang relasyon.

Sa magkahiwalay na panayam, sinabi nina Heart at Chiz na wala na silang hahanapin pa sa smooth-sailing na takbo ng kanilang relasyon.

"Maayos, mapayapa, kuntento at wala na akong hahanapin pa," paglalarawan ni Escudero sa relasyon nila ng celebrity girlfriend.

Kasabay nito, ibinunyag ng senador na maliban sa sabay na pagsalubong nila ni Heart sa taong 2013, ay personal na nitong nakaharap ang pamilya ng girlfriend.

Continue Reading at Bomboradyo