Monday, November 12, 2012

Pacquiao, Dinalaw sa training nina NBA greats Miller at Barkley


LOS ANGELES - Sinorpresa nina dating NBA superstars Reggie Miller at Charles Barkley si 8-division world champion Manny Pacquiao sa kaniyang training camp sa Los Angeles, California.

Dinalaw ng dalawa ang Filipino ring icon kung saan sabay pa ang mga ito na nag-jogging sa Griffith Park.

Pagkatapos ng jogging, naglaro din ang tatlo ng basketball sa isang local court.

Napahanga din umano ni Pacquiao ang former Pacers 3-point hotshot na si Miller sa kaniyang mga jump shots.

Si Pacquiao ay nasa kalagitnaan na ng kaniyang training para sa ika-apat na laban nila ni 3-division world champion Juan Manuel Marquez sa Disyembre.

Una ng binigyan nang "perfect 10" na iskor ng strength and conditioning coach na si Alex Ariza si Manny sa kaniyang training. ( BomboRadyo )