Sunday, January 13, 2013

James Lebron REVERSE DUNK Heat Win, 128-99


Bumitin si Miami Heat forward ­LeBron James sa rim matapos mag-dunk laban sa Sacramento Kings sa kanilang NBA game kahapon sa Sacramento, ­Calif. Wagi ang Heat, 128-99. (AP)


SACRAMENTO, Calif. (AP) --- Hindi man pansinin sa star-laden Mia­mi Heat, nakita ni Mario Chalmers ang pagkaka­taon para umeksena laban sa Sacramento Kings.


Nagliyab ang kamay ni Chalmers sa pagsuwak ng career-high 10 3-pointers para sa kabuuang personal-best 34 points sa pagtupok ng Heat sa Kings, 128-99, kahapon.


Pinantayan ng triples ni Chalmers ang franchise record ni Brian Shaw at nagtatak ng panibagong marka sa Sacramento's Sleep Train Arena sa pagtudla ng 10 of 13 sa 3-point territory.


"He had it going and we kept finding him. Mario was awesome," LeBron James. "He was knocking down shots all game.''


At kasama rito ang fourth quarter, kung saan nakatambak na ang Heat ng lagpas 30 points at ang tanging inaabangan na lang ay kung malalagpasan ni Chalmers ang kanyang career-high sa points at kung mababasag nito ang Heat 3-point record.


Bumalik sa loob si Chalmers sa kalagitnaan ng fourth quarter at may pares pa ng triples para pantayan ang iminarka ni Shaw.


"I asked him (Heat coach Erik Spoelstra) to put me back in. I knew what the record was," ani Chalmers. "I wanted to get one more to beat it."


Si James ay may 20 points, pitong assists, limang steals at dalawang blocks para sa Heat, na may season-high sa point total. Ang Miami ay hindi pa nakakalagpas ng 100 points sa nakalipas na apat na games.


Nagtapos si Chris Bosh ng 16 points, 12 si Mike Miller at 11 si Dwyane Wade para sa Miami, na may 56 percent field goal shooting at 17 for 37 sa mga binatong tres.


Nagbigay din ang Heat ng season-high 35 assists at may 11 steals at 11 blocks -- kasama ang apat ni Wade. Pinuwersa ng Miami ang Kings ng 17 turnovers na nagiang 34 points.


May anim na triples si Isaiah Thomas para sa career-high 34 points sa Kings, na may apat na sunod na talo. Si DeMarcus Cousins ay may 11 points at walong rebounds, habang si James Johnson ay mayroon ding 11.

Source abante