By Bernard Taguinod & JB Salarzon, Abante Tonite Lalo umanong pursigido ang mga sindikato ng carnapping na makanakaw ng mga mamahaling sasakyan dahil may kontak ang mga ito hanggang sa ibang bansa. Ito ang ibinunyag kahapon ni Atty. Oliver Lozano sa ambush interview sa Kamara kahapon habang nagla-lobby ito para paigtingin ang batas laban sa carnapping syndicate sa bansa. Ayon pa kay Lozano, may impormasyon siyang natanggap na ang mga high-end na sasakyang kinakarnap umano ng sindikato ay ini-smuggle patungo sa iba’t ibang bansa tulad ng Africa. |