Wednesday, August 31, 2011

3-4 na Bagyo Tatama sa PH Ngayong September PAGASA



Makaraang umalis na sa bansa ang pinaka huling bagyong si Mina sa buwan ng Agosto ng taong ito, aabutin naman sa tatlo hanggang apat na bagyo ang malamang na tumama sa bansa sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi pa alam kung ang inaasahang bagyo na tatama sa bansa sa susunod na buwan ay singlakas ni Mina.

Kaugnay nito, sinabi ni DOST Undersecretary Graciano Yumul Jr na ang tatlo o apat na bagyo na maaa­ring tumama sa bansa ngayong Setyembre ay kabilang sa 13 bagyo na maaaring tumama sa bansa ngayong taong 2011, mas mataas sa 11 bagyo na tumama sa bansa noong 2010.

Anya ang mga bagyong tatama sa bansa sa mga buwan ng BER tulad ng September, October, November at December ay magla landfall o babagsak sa kalupaan.

Ang walo pang bagyo na sisimulang tatama sa bansa ay may pangalang Nonoy, Onyok, Pedring, Quiel, Ramon, Sendong, Tisoy, at Ursula pero pag may naganap pang bagyo makaraan nito ay tatawaging Viring, Weng, Yoyoy, at Zigzag.

Source: Pilipino Star Ngayon