Monday, May 30, 2011

DIVORCE BILL IPINAPAAPURA


By Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon)

Umapela kahapon ang isang babaeng kongresista sa kanyang kapwa mga mambabatas na madaliin ang pagpapasa ng Divorce bill upang mabigyan umano ng pagkakataon ang mga mag-asawa na magkaroon ng opsyon sa sandaling hindi na sila masaya sa kanilang mga asawa.

Ito ang panawagan ni Gabriela Womens party list Representative Luz Ilagan kasunod ng ulat na ang resulta ng nakaraang referendum sa Malta ay pabor sa legalisasyon ng diborsyo sa isa sa pinamakalaking Catholic Mediterranean island. [ FULL STORY ]