By Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) Magsasagawa ng joint conference ang panel of prosecutors ng DOJ, Office of the Solicitor General (OSG) at kampo ni dating Senior Supt. Cesar Mancao kaugnay sa susunod na hakbang nila kaugnay sa pagkakabasura ng Court of Appeals (CA) sa double murder case ni Sen. Panfilo Lacson. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kailangan nilang mag convened upang mapag usapan ang merits at de-merits ng kaso at kung ano ang maari nilang gawin na susunod na hakbang. |