Monday, February 7, 2011

OFWS BINUBUGBOG NG BERDUGONG PULIS


By Abante Online
“Lahat kami dito, unti-unti kaming pinalalabas ng mga pulis para bugbugin lang.” Ito ang isiniwalat ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nakakulong ngayon sa Malaz Central Jail sa Saudi Arabia.

Ang mensahe ni Farouq Bayabao, isa sa mga presong OFW at lider ng mga Pinoy na nakakulong sa naturang kulungan, ay ipinarating sa pamamagitan ng short messaging system (SMS) sa mobile phone o mas kilala bilang text sa Filipino migrant rights group ng Migrante Middle East.
more