By Bernard Taguinod & Tina Mendoza, Abante Online Nakikipag-unahan umano ang binuong “vigilante” ng mga biktima ng carnap gang sa mga awtoridad para sa ulo ni Roger Dominguez, kapatid ni Raymond Dominguez, ang itinuturong lider ng Dominguez carnap syndicate. Sa ambush interview sa Kamara kahapon, habang nagla-lobby para paigtingin ang batas laban sa carnapping syndicate sa bansa, sinabi ni Atty. Oliver Lozano, ama ng pinaslang na carnap victim na si Emerson Lozano, ilang araw na lamang ay mahuhuli na si Roger. |