By Dindo Matining & Bernard Taguinod, Abante Tonite Kaduda-duda umano ang agarang deklarasyon ng mga pulis na lutas na ang kasong pagpatay sa car trader na si Venson Evangelista. Ito ang inihayag ni Senador Francis Escudero matapos madiskubre ng kapulisan ang bahagyang nasunog na driver’s license ni Evangelista sa isang bahay ng magkapatid na Raymond at Roger Dominguez. |