By Abner Mercado Patrol ng Pilipino Ito ang kuha ng CCTV camera sa Puerto Princesa airport noong Enero 19. Makikita ang pagdating ni Marlon Recamata, ang suspek sa pagpatay sa radio commentator na si Gerry Ortega. Kasama ni Recamata ang isa pang suspek na si Dennis Aranas. Maya maya lumabas sa arrival area ang isang Junjun Bumar. Kuwento ni Recamata, si Bumar ang nag-utos sa kanila na patayin si Ortega. |