Wednesday, November 27, 2013

Pacquiao Mansion sa Forbes Park, Makati City, Kasama sa collateral sa tax case


Maliban sa mga bank assets, inako na rin ng Bureau of Internal Revenue ang legal claim sa magarbong bahay ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa Forbes Park sa lungsod ng Makati.


Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni BIR commissioner Kim Henares na bahagi umano ito ng security interest ng gobyerno kaugnay sa kinakaharap na P2.2 billion tax case ng Filipino ring icon.

Paliwanag ng opisyal, bagama't maaring parentahan ni Pacquiao ang kaniyang lupa't bahay, hindi umano niya ito maaring ibenta.

"Renting it out is no problem. Selling it, he can. The only problem is whoever buys it, buys it with that lien on the property," ayon kay Henares.

Maalala na napaulat noong 2011 ang pagbili ni Manny sa nasabing house and lot sa halagang P388-million.

Noong Hulyo, una nang nag-isyu ng warrant of distraint and levy ang BIR sa mga bank accounts ni Pacquiao.

Continue Reading at Bomboradyo and philnews