Wednesday, January 30, 2013

Dec. 2012 NLE topnotcher planong maging clinical instructor sa Maynila


TACLOBAN CITY - Plano ngayon ni Glicyl Arante Alvero ng Colegio De Sta. Lourdes of Leyte Foundation, Inc., na nag-number 1 sa Nurse Licensure Examination (NLE) mag-apply sa mga review centers upang makapagturo at maging isang clinical instructor sa Maynila.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Tacloban, sinabi ni Alvero na noong nasa high school pa lang siya ay pinangarap na niyang magtrabaho abroad pero nagbago raw ang kanyang pananaw nang makarating siya sa kolehiyo kung saan gusto niyang makapagturo sa mga nursing students bago siya magsilbi sa mga hospital.

Pinayuhan naman nito ang mga nursing students na hindi mawalan ng pag-asa kahit ano mang pagsubok ang dumating sa kanila habang nag-aaral.

Continue Reading at Bomboradyo