Tuesday, November 26, 2013

Manny Pacquiao forced to borrow at least P1M for Yolanda survivors


Nilinaw ni Manny Pacquiao na hindi niya binabatikos ang Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng pag-freeeze sa kanyang mga pera sa bangko kundi ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Una nang naglabas ng sama ng loob si Pacman kung bakit umano siya sini-single out.


Aniya, bakit merong mga nagnanakaw sa gobyerno pero iba ang pagtrato.

Ang kanyang pera raw ay hindi ninakaw at hindi galing sa PDAF at DAF kundi galing sa suntok at boksing.

Sinabi pa Pacman, nagpapabugbog siya ng husto at puhunan ang dugo at pawis, pero kinukuha ng gobyerno.

"Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno. Pero pag nagnakaw ka - wala pa akong nakitang nagnakaw ng marami, pero na-garnish lahat ng pera," ani Pacquiao.

Ayon kay Manny kung ang sinisingil ng BIR na buwis na P2.2 billion na galing umano sa kanayang kinita mula 2008 hanggang 2009 ay pawang "hearsay" at wala naman silang ebidensiya.

Kung tutuusin ang naturang halaga ay mahigit pa umano sa kanyang "assets and liabilities."

Kung hinihingan man siya ng kopya ng binayarang buwis sa Amerika ay meron silang ganitong kasulatan mula sa Top Rank Promotions pero bakit hindi umano tinatanggap ng BIR.

Pahayag naman ng BIR, dalawang taon na nilang inaantay ang official documents.

Paliwanag naman ng ring icon, hindi umano nagbibigay ng orihinal na kopya ang Internal Revenue Service (IRS) ng US.

Giit pa ni Pacman, kung hindi man siya nagbayad ng buwis sa Amerika ay hahabulin siya ng gobyerno ng Estados Unidos at baka kulong na siya ngayon.

Pakiusap lang niya sa BIR ay tanggalin na ang freeze order dahil libong mga trabahador din ang apektado lalo na bilang pangsweldo.

Continue Reading at Bomboradyo