Tuesday, November 26, 2013

KARANASAN NG ISANG OFW !!! Wag basta basta pumirma ng contrata at ng ahensya basahing mabuti at kilalanin ang kumpanyang papasukan.


Paalala lang po sa mga kababayan kong gusto makipagsapalaran sa ibang bansa. Masarap pakinggan ang salitang OFW. Ngunit napaka sakit isiping na sa kabila nang pagsisikap upang maka bangon at mai.ahon ang pamilya sa kahirapan dulot nang kabila-kabilang kuraption na nang yayari sa ating bansa. Pagod at pagsisi ang aming na darama dito sa kompanya na aming pinasukan. Kami po ay nagtatrabaho sa isang sikat at malaking restaurant dito sa gitnang silangan (Kingdom of Saudi Arabia).


Ang pangalan po nang aming kompanya ay Herfy Services Co. LTD. Sa loob nang mahigit na dalawang taon naming paninilbihan sa kompanyang eto. Ibig lang naming ipa alala sa mga baguhan at sa mga gustong bumalik na nais maka abroad at gustong makipagsapalaran sa ibang bansa. Kung may marinig kayo sa inyong bayan na gustong magpalabas upang magtrabaho sa kumpanyang eto. Wag na po kayo mag apply nitong nasabi kong kumpanya. Kung naka apply na po kayo eto na ang tamang panahon na mag backout na po kayo.

Tama na ang pangloloko at pananalig sa mga kababayan nating gusto makaranas nang ginhawa sa buhay. Sa loob nang mahigit na dalawang taon naming pinagtitiisan. Marami na kaming na dadaanan na pagsubok sa kumpanyang eto. Noong nasa pinas pa kami, sina sabi nila na maganda ang magiging trabaho ninyo pagdating sa Saudi nagkakamali po sila. Ang magiging sahod po ninyo sa kumpanyang eto ay 700 + 100 SR na ngayon ay 800 + 100 SR na kung sa peso ay 9,000 lang. Naka saad po sa pepermahan nyong kontrata sa pinas na may isa kayong day off bawat isang linggo. Ngunit pag dating po ninyo dito sa Saudi lahat nang na permahan nyong kontrata sa pinas ay magbabago. Wala pong day off ang mangyayari.

At kung nagkataon na maka absent kayo nang isang araw o mahigit sa isang buwan ang basic nyo na 900SR ay babawasan nla sa araw na kayo ay nakaliban. Tutumbokin ko rin po na sinasabi nila sa kontrata na pepermahan ninyo sa pinas na magkakaroon kayo nang day off bawat bernes ngunit pag dating po dito kayo po ay papipiliting mag trabaho sa araw nang Bernes. Uu sabihin nating may overtime ngunit hindi po makatarungan ang bayad nila sa overtime dahil eto ay nagkakahalaga lamang nang 4.37SR o 50Php sa atin.

Sa bawat oras na kayo ay nag oovertime hindi po makatarungan na sa dami nang inyong dapat gawin sa boong store. Maliit po eto kung e kompara sa per hour na overtime natin sa ibang Restaurant sa Pinas. At dito rin po ay sapilitan ang pag overtime lalo na po kulang sa tao. Kapag hindi kayo nakapag overtime kayo po ay itatapon sa pinakamalayong branch nila na nasa probensya. Ang magiging sestema na po ninyo dito. Papipilitin po kayong pumasok sa araw nang bernes na magiging overtime na po ninyo. Sabihin na po natin na kada bernes na pasok ninyo ay magiging overtime na. Kung nagkataon na lima po ang bernes sa isang buwan. Etong ika limang bernes na pinasukan mo sa isang buwan ay hindi nila po e papasok sa overtime na pinaghirapan mo. Napaka hirap pong magtrabaho isang konpanya na kung saan puro kasinungalingan at katiwalian sa kanilang opisina. Sabihin na po nating may mga kababayan po kaming may matataas na posisyon sa kompanyang eto ngunit wala parin silang magawa kundi sundin na lang ang mga patakaran. Ang tinatarget nila pong kunin upang mag trabaho sa kanilang kompanya ay yung mga taong walang karanasan na bagohan lamang makipagsapalaran sa ibang bansa.

Sila po ay kasalokoyan naghahanap nang mga Crew sa atin dahilan po marami sa aming ngayon dito ay humihinto na sa trabaho. Pinapaalala ko lang po sa gustong mangibang bansa. Tama na po ang kasinungalingan at pagpapatiis sa mga kababayan nating gusto umahon sa kahirapan. Ang Agency po nila sa Pinas ay Gulf Horizon International Services, Inc. Sa ngayon po target nilang mag hire nang aplekante sa VISAYAS at MINDANAO kumukuha din sila nang mga aplikante sa LUZON. Ang nais ko lang po ay matigil na ang pagpapalabas at pagpapahirap sa ating mga kababayan na ang nais lang po ay maiahon ang pamilya at hindi pagpapahirap sa ating mga kababayan pag dating sa Saudi. Pake share po ninyo upang malaman nang iba pang mga kababayan nating nais mag abroad.


From: a Concerned OFW sender


we all need to help them..... Philippines Embassy where are you now... they work in Herfy Foods Inc. They need your Help.......... Please like and share para matulungan at mabigyan ng pansin ng Gobyerno ng Pilipinas.....