LOS ANGELES - Muli na namang lumasap ng pagkatalo ang star-studded team na Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Los Angeles Clippers, 105-95.
Ito na ang pinakamasamang simula ng LA sa NBA season sa nakalipas na 34 na taon.
Nanguna si Chris Paul sa kanyang 18 points at 15 assists, habang si Jamal Crawford naman ay nagtala ng 21 puntos.
Ang NBA superstar na si Kobe Bryant ay kumamada ng 40 puntos, habang si Dwight Howard ay may 13 points at eight rounds pero bigo pa ring iangat ang team.
''We need a win, obviously,'' ani Lakers coach Mike Brown. ''I'm not trying to fool anyone here. That's part of the reason Kobe played the minutes he played, which is too many.''
Si Steve Nash ay hindi nakapagplaro dahil sa injury sa kaliwang paa.
Si Bryant kahit may iniinda ay naglaro ng 43 minuto at pagkatapos ng game ay pinalagyan pa niya ng yelo ang bahagi ng kanyang paa.
'We're not supposed to coast and assume things are going to fix themselves,'' wika pa ni Bryant. ''You've got to push at it. We've just got to keep working on what we do.''
Habang nagsasaya ang Clippers, sobra naman ang pagkadismaya ng pro-Lakers fans at sinisi ng husto si Brown.
Una rito sa second half ay tinangka pang dalhin ni Bryant ang team para makabawi kung saan umiskor siya ng 26 na puntos, pero tinapatan naman siya ng magandang laro nina Paul at Griffin.
''The key was that we weathered the storm,'' pahayag pa ni Paul. ''We had a lead going into the fourth, and then Kobe started being Kobe. I've played against the Lakers enough times to see him get like that and have them come back and win. But we got some timely shots from our bench, and they stepped up for us.'' (AP)
Source : BomboRadyo