ATLANTA - Nagmistula umanong franchise player ng Houston Rockets ang ipinapakitang magandang performance ni James Harden matapos magtala ng45 points sa laro kontra sa Atlamta Hawks, 109-102.
Kung maaalala una nang na-trade si Harden mula sa Oklahoma City.
Todo papuri naman si Rockets coach Kevin McHale sa ipinapakita ni Harden.
"He's pretty good, I'd say," ani McHale. "He just kept battling and playing."
Para naman kay Jeremy Lin, na may 21 points, 10 rebounds at seven assists, si Harden ang pinakamalaking bagay sa koponan.
.
"He frees everybody up," wika pa ni Lin. "He knows what he's doing. We're thankful that he showed up."
Pero paliwanag ni Harden, hindi siya naka-focus sa kanyang impresibong performance sa dalawa nilang laro.
.
"I don't even worry about it," pahayag ni Harden. "I just go out there and play hard."
Ang Rockets center an si Omer Asik ay may career-high na 19 rebounds pero bigo siyang maka-score.
Sa panig ng Hawks si Lou Williams ay may 22 points sa kanyang debut.
Samantalang si Josh Smith ay naka-18 points at kasmang 10 rebounds. (AP)
Source : Bomboradyo