Saturday, November 3, 2012

Kontaminadong tubig, sinususuri sa pagkalason ng 53 sa Albay


LEGAZPI CITY - Kontaminadong tubig ang isa sa mga rason na tinitingnan ngayon ng pagkakalason ng umaabot sa 53 katao sa Brgy. Gapo, bayan ng Daraga, lalawigan ng Albay.


Ito ay dahil na rin pangyayari sa parehong lugar dalawang taon na ang nakakalipas kung saan nakaranas rin ng diarrhea ang karamihan sa mga residente ng nasabing barangay dahil sa hindi maayos na water source.

Ayon sa Albay Provincial Health Office, malala ang naging kaso noong nakaraan dahil na rin mayroong naitalang namatay.

Ngunit kailangan pang antayin ng mga doktor ang resulta nang isinagawa nilang laboratory test sa mga pasyente upang makasiguro kung ang kinaaing spaghetti at pancit sa isang handaan o maruming tubig ang totoong rason ng kanilang pagkakalason.

Source : BomboRadyo