Sunday, October 28, 2012

$1,000, alok ni Roach kung mapapabagsak ni Pacman ang sparring partners


Kasabay ng pagdating sa Wild Card Gym sa Estados Unidos ni 8-division world champion Manny Pacquiao, all set na ang gagawing puspusang training bilang paghahanda sa laban kay Juan Manuel Marquez.

Ayon kay trainer Freddie Roach, magiging close-door ang kaniyang gym oras na simulan na nila ni Pacquiao ang didbdibang ensayo.

Sinabi pa ni Roach, mag-aalok siya ng $1,000 o nasa mahigit P41,000 kung kayang patumbahin ni Pacman ang kaniyang sparring partners.

Kung maalala, nagbibigay ng reward si Roach kung sino ang makakapagpabagsak sa Pinoy boxing champion.

Ang Pacquiao-Marquez fight ay gagawin sa December 9 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

“This camp I will pull a switch. I will offer Manny $1,000 out of my own pocket every time he knocks a sparmate on his a**,” pahayag ni Roach.

Source : BomboRadyo