Sunday, October 28, 2012

Korte, nagpasok ng 'not guilty' kay CGMA


Ang Sandiganbayan na ang naghain ng "not guilty" plea para kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay sa kinakaharap nitong plunder case.

Ito'y matapos na tumanggi ang respondent na magbigay ng tugon sa mga alegasyon laban sa kaniya.

Kaugnay nito, itinakda naman ng Sandiganbayan sa December 3 ang preliminary conference ng kaso.

Kasama ni Mrs. Arroyo ang kaniyang asawang si dating 1st Gentlemen Miguel Arroyo, anak na sina Luli, Dato at Mikey Arroyo.

Samantala, maraming mga pro at anti-protester ang maaga ring nagtipon-tipon sa labas ng Sandiganbayan.

Kaugnay nito, mahigpit ang seguridad na ipinatupad para sa pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan sa Pampanga Representative.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kasong plunder sa umano’y iligal na paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Source : BomboRadyo