Monday, October 29, 2012

Daang-libong pasahero sa US, buong mundo stranded dahil kay 'Sandy'


NEW YORK - Daan-daang libong pasahero hindi lamang sa Amerika kungdi maging sa iba't-ibang bahagi ng mundo ang stranded ngayon bunsod ng Hurricane Sandy na nakaambang manalasa sa US East Coast.

Umakyat na ngayon sa 7,200 mga flights ang kinansela sa mga apektadong estado sa Amerika.

Ang mga major carriers kagaya ng American Airlines, JetBlue at Delta ay itinigil muna ang biyahe sa tatlong pangunahing palirapan sa New York at New Jersey.

Sa Philadelphia International Airport at Newark International Airport, tig-1,200 flights ang kinansela ng United Airlines.

Source : bomboradyo