Saturday, March 12, 2011

WARNING VS 7.2 LINDOL SA ‘PINAS SERYOSOHIN


by Boyet Jadulco, abante.com.ph
metro-manilaMatapos ang mega quake sa Japan, iginiit ng dalawang senador sa gobyerno na seryosohin ang babala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2004 na guguho ang maraming gusali at bahay sa Metro Manila sa 7.2 magnitude na lindol.

Ang report ng JICA ay muling sinilip ng Senate committee on national defense and security nitong Pebrero, kung saan inirekomenda ng chairman nitong si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na palakasin ang ‘disaster risk and management capacity’ ng Metro Manila.
more