By Boyet Jadulco, Abante Tonite Nangangapa pa rin ang Department of Foreign Affairs sa kalagayan ng ng mahigit 4,000 Filipino na naninirahan sa tinaguriang ‘ground zero’ na winalis ng higanteng tsunami matapos ang 8.9 magnitude earthquake noong Biyernes ng hapon sa Japan. Hanggang kahapon, bagsak ang komunikasyon sa Tohoku Region sa northeastern part ng Japan kung saan dito matatagpuan ang prefectures ng Iwate, Fukushima at Miyagi. |