by Boyet Jadulco, abante.com.ph
Matapos ang malakas na lindol at higanteng tsunami na tumama sa bansang Japan nitong Biyernes ng hapon, ang pangamba naman ng radiation leak ang kinakaharap na problema ng mga Filipino doon matapos ang aberya ng isang nuclear power plant, 240 kilometro mula sa Tokyo.
Dahil dito ay inabisuhan na ng Philippine Embassy sa Tokyo ang mga Filipino na mag-monitor sa advisory ng mga awtoridad sa Japan, lalo na sa mga kaakibat na problema, matapos yanigin ang nasabing bansa ng 8.9 magnitude na lindol.