Wednesday, February 23, 2011

MRS. LIGOT NAWAWALA!


by Boyet Jadulco, abante.com.ph
ligotNabigo ang Senate Blue Ribbon committee na mahagilap ang asawa ni dating military comptroller retired Lt. Gen. Jacinto Ligot na pinaniniwalaang nagtatago ngayon upang takasan ang imbestigasyon sa kurakutan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinasasangkutan ng mag-asawa.

Tumungo ang staff ng komite sa bahay ni Mrs. Erlinda Ligot sa Block 2, Lot 21, Phase 3, MBAI Subdivision, Muntinlupa City kamakalawa su­balit hindi na ito nahagilap doon.
more