Wednesday, February 23, 2011

MARIA ARAGON, BINIGYAN NG STANDING OVATION SA DEGENERES SHOW!


By Jojo Gabinete, Abante Online
arwin santosNatupad noong Martes ang pangarap ni Maria Lourdes Aragon na mag-guest sa show ni Ellen DeGeneres. Si Maria ang 10-year old Filipino-Canadian na naging ins­tant Youtube sensation dahil sa pagkanta at pagtugtog niya sa Born This Way ni Lady Gaga.

Napanood ni Lady Gaga ang Youtube ­video ng performance ni Maria sa kanyang bagong ­single at napaluha siya. Nang i-post ni Lady Gaga sa Twitter account nito ang music video ni Maria, milyung-milyong tao sa buong mundo ang humanga sa talent ng young Filipina singer.
more