By Jun Nardo, Abante Online Pambato ng TV5 si Joey de Leon sa tatlong programang ibabalandra ng network simula ngayong Linggo. Pinoy Samurai ang title ng gag/game show ni Joey at makakasama niya sina Mr. Fu, Rufa Mai, Wilma Doesnt at ang sumo wrestler na si Tiny. “Sanay na ako sa TV5. Ako ang pinakamatanda sa lahat! Ha! Ha! Ha! “Parang hindi ako sanay ng ganito! Sanay ako ng nakaupo lang!” sey ni Joey nang umupo siya sa bawat table para makausap ng press. |