Saturday, November 9, 2013

Capiz mga bahay 'na-washout'


ROXAS CITY - Isinailalalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Capiz matapos na tamaan ng supertyphoon Yolanda.


Sinasabing 95 porsyento ng lalawigan ang sinalanta ng bagyo.

Kabilang dito ang 16 na bayan at isang component city.

Lahat ng bahay sa coastal areas ay pinadapa o na-washout ng matinding lakas ng hangin.

Hindi rin nakaligtas sa sungit ng panahon ang mga malls, maging ang malalaking bahay at iba pang mga establisyemento.


Bigo naman ang mga rescue workers na mapasok ang ibang mga bayan dahil naghambalang ang mga maraming mga punongkahoy sa mga kalsada.

Batay sa record ng PDRRMC, apat ang kumpirmadong patay habang anim na mga residente ang sugatan.

Pero pinangangambahang tataas pa ang bilang.

Patuloy pa kasing inaalam sa marami pang lugar sa lalawigan ang dagdag pang impormasyon.

Dahil dito nagkukumahog ang mga rescuers sa clearing operation upang puntahan ang mga apektadong residente maging sa mga evacuation centers.


Source : Bomboradyo