Friday, November 8, 2013

Higit 100 bangkay umano ang nagkalat sa mga kalsada ng Leyte matapos ang paghagupit ng Bagyong Yolanda.


Higit 100 bangkay umano ang nagkalat sa mga kalsada ng Leyte matapos ang paghagupit ng Bagyong Yolanda.

Ito ang nakuhang ulat ng Radyo Patrol mula sa isang residente sa Leyte. Nag-iiyakan umano ang mga tao sa kalsada sa tabi ng mga bangkay.



Kinumpirma rin ito sa panayam ng DZMM kay Civil Aviation Authority of the Philippines Deputy Director Capt. John Andrews.

Alas-5:00 ng madaling araw aniya nang matanggap niya ang text message kung saan bukod sa mga nagkalat na labi sa mga kalsada, higit 100 din ang sugatan.

Humihiling ang mga ito ng tulong na ma-rescue sila mula sa lugar.


Patuloy naman ang pagkumpirma sa ulat na ito.

Nagiging balakid sa pagkalap ng impormasyon sa pinsala at mga nasawi ang naparalisang linya ng komunikasyon sa lalawigan matapos pabagsakin ng bagyo ang mga cell site at poste ng kuryente.





With report from David Oro, Radyo Patrol 19

Source DZMM