Sunday, January 13, 2013

Talk 'N Text Defeated Rain or Shine in Game 3, 89-80


Ang dating Most Valuable Player (MVP) na si Jimmy Alapag ang naging bayani sa panalo ng Talk 'N Text (TNT) Tropang Texters sa Game 3 ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup finals.

Umiskor ng 15 points si Alapag upang talunin ang Rain or Shine (RoS) Elasto Painters, 89-80.

Isang crucial three points ang naipasok ni Alapag sa huling bahagi ng fourth quarter na siyang nagselyo sa kanilang panalo.

"Alapag hit some crucial three pointers in the end for us. That really was the difference in the game," wika ni Tropang Texters head coach Norman Black. "Our three-point shooting bailed us out again."

Dahil sa panalo ng Tropang Texters, isang panalo na lamang ang kanilang kailangan at maidedepensa na nila ang kanilang Philippine Cup title.

Sa panig ng Elasto Painters, nakapagtala ng 14 puntos ang rookie player na si Chris Tiu. (BomboRadyo)