Kanselado ang anim na domestic flights mula at patungo sa katimugang bahagi ng ating bansa dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ayon sa impormasyong nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kabilang sa mga ipinagpaliban ang byahe ay ang mga eroplano ng Cebu Pacific at Zest Air.
Sinasabing malakas ang naitalang ulan sa Eastern Visayas at Mindanao kaya minabuti ng mga kompaniya ng eroplano na ipagpaliban ang lipad ng kanilang mga sasakyang panghimpapawid.
Tiniyak naman ng mga ito na agad maglalabas ng panibagong update kapag bumuti na ang panahon sa nasabing mga lugar.
Nabatid na ang low pressure area (LPA) ang pangunahing sanhi ng masamang lagay ng panahon. (BOMBORADYO)