Isang hindi pa nakikilalang babae ang nagtangkang magpakamatay sa Metro Rail Transit (MRT)-Shaw Boulevard station.
Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, paparating kaninang pasado alas-11:00 ang isang tren sa may southbound lane nang biglang tumalon ang babae.
Naipit ang paa nito sa riles at halos maputol sa labis na pagkakadurog.
Ilang minuto ring naantala ang operasyon sa MRT southbound dahil kinailangan pang magsagawa ng retrieval operations para maialis ang babae sa riles.
Naisugod na sa pagamutan ang babae, habang inaalam na rin ang pagkakakilanlan nito. (DZMM)