Pumanaw na ang pitong taong gulang na batang babae na tinamaan ng ligaw na bala habang nanonood ng mga nagpapaputok sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon .
Sa panayam ng DZMM, inanunsyo ni Dr. Emmanuel Bueno, director ng East Avenue Medical Center na pumanaw na si Stephanie Nicole Ella alas-2:26 Miyerkules ng hapon matapos ang ika-walong cardiac arrest.
"Siya po ay tinulungan natin hangga't kakayanin pero sa panahong ito, 'yung eight cardiac arrest po ay hindi na natin siya maibabalik," paliwanag ni Dr. Bueno.
Alas-5:00 kaninang umaga ng magsimulang mag-cardiac arrest si Nicole.
Hindi na nagawang maalis ang bala ng baril na pumasok sa ibabang bahagi ng kaniyang mata na pumasok sa may utak nito.
Una nang ikinwento ng mga magulang ni Nicole na nanonood lang ng mga nagpapaputok ang bata nang bigla itong matumba at nakita nang umaagos ang dugo mula sa ulo nito.
Continue Reading at DZMM