Monday, November 12, 2012

Larawan ng babaeng OFW mula sa Zamboanga naka Confined sa Jeddah


Hindi maalis sa aking isipan ang nakakaawang kalagayan ng kabayan nating pinay na ito na na-stroke at kasalukuyang nasa King Abdul Aziz University Hospital, Jeddah KSA (Main Gate, 5th Floor, Female Surgical Ward, Room. 129)


Akin pong napag alaman na siya po ay inabandona na o itinakwil ng kanyang huling amo, siya po ay 2 buwan na naka-confine doon at sa loob ng panahon na yon ay wala man lang dumalaw sa kanya ni isa upang maalalayan siya ,maliban sa isang lalaking yemeni na may mabuting loob na sa tuwing pumapasyal sa hospital na yon dahil sa isang kamag-anak na naka-confine din doon.

Ang tanging pangalan na kanyang sinabi ay "Salma", at isa siyang tausog na taga Zamboanga. Wala siyang kakilala o kamag anak dito sa jeddah at walang impormasyon tungkol sa mga kaanak nya sa pilipinas, kung sino man po nakakakilala sa kanya malaking tulong po ang pag-share nyo upang mapaabot natin sa kanyang kamag-anak ang kanyang kalagayan.

Source: Abdulaziz Gemina via Everythinginbudget