Tuesday, August 14, 2012

Philhealth, Sasagutin ang Pagpapagamot sa mga may Leptospirosis


MANILA, Philippines – Makakakuha na ng reimbursement na hanggang P11,000 ang lahat ng mga nagkaroon ng sakit na Leptospirosis dahil sa nakaraang mga pagbaha.

Ayon sa ibinigay na impormasyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bukod sa mga miyembro ng Philhealth, makakakuha rin ng parehong benepisyo ang mga hindi miyembro nito na nagkaroon rin ng naturang sakit.

“We have been told by the officers of Philhealth all non members and areas affected by the recent flooding who are also diagnose uncomplicated Leptospirosis shall be automatically enrolled as Philhealths’ sponsored members.”

Ayon pa kay Valte, simula August 7 hanggang July 31,2013 ay maaari nang mag-apply ng reimbursement.

Source : UNTV News