Friday, August 26, 2011

Cagayan at Isabela, signal No 3 dahil kay 'Mina'



Napanatili ng bagyong Mina ang kaniyang lakas at nagbabanta ito ng pananalasa sa hilagang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 190 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora at taglay ang lakas ng hangin umaabot sa 140 kilometers per hour (kph) at pagbugso nasa 170 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometro bawat oras at tinatahak ang direksiyon ng pakanluran.

Sa araw ng Biyernes, ang bagyo ay inaasahang nasa 140 kilometro hilagang silangan ng Aparri, Cagayan at sa Sabado ng gabi ito ay nasa 200 kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Nakataas ang public storm signal number 3 sa lugar ng Isabela, Cagayan at Northern Aurora.

Nasa signal number 2 naman ang Batanes, Calayan, Babuyan Group, Apayao, Kalinga, Quirino at nalalabing bahagi ng Aurora.

Habang nasa ilalim ng signal number 1 ang Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya at Nueva Ecija.

Source Via BomboRadyo