Thursday, July 28, 2011

Pabahay sa mga Pilipinong Walang Tirahan, Ipagkakaloob ng NHA



P8.375 billion, ito ang kakailanganing pondo ng National Housing Authourity (NHA) para mabigyan ng pabahay ang mga informal settlers at pulisya sa buong bansa.

Ayon kay NHA, General Manager Attorney Chito Cruz, P4.38 billion ang kanilang gagastusin para makapagpatayo ng 50, 000 bahay.

Ang mga beneficiaries nito ay ang mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa bagyo, mga ninirahan sa mga delikadong lugar at nasunugan.

Apat na bilyong piso naman ang gagamitin sa pagpapatayo ng 21,800 na housing units para sa mga tauhan ng pambansang pulisya at militar.

Target ng NHA na itayo ang housing project sa 12 site sa Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

(source: RMN News)