Friday, July 26, 2019

Isa na naman pong magandang balita! Libreng Sakay Program.


Matapos ang masigasig na implementasyon ng Executive Order No. 4 - No Parking sa palibot ng Greenhills Shopping Center na bahagi ng Mabuhay Lanes, ilulunsad naman ni Mayor Francis Zamora ang LIBRENG SAKAY para sa mga San JuaneƱo bukas (Hulyo 26, 2019).


Ang libreng sakay ay mula Wilson St. corner Ortigas Avenue hanggang Polytechnic University of the Philippines-San Juan sa Barangay Addition Hills, Monday to Sunday, 6:00am hanggang 8:00 pm.

Ang programang ito ay ipapatupad upang matugunan ang pangangailangan ng transportasyon habang isinasaayos pa sa LTFRB ang franchise para sa mga public vehilces na bibiyahe sa route na ito.