Hindi pa man nakakabangon ang maraming kababayan sa epekto ng bagyong Juaning, panibagong bagyo na naman ang nagbabanta sa Pilipinas.
Pumasok na sa area of responsibility ng bansa ang tropical storm na “Kabayan”.
Sa weather advisory ng Pagasa, huling namataan ang sentro nito sa layong 1,000 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 80 kph.
Tinatahak ni “Kabayan” ang pangkalahatang direksyon na hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, ang bagyong “Juaning” ay patuloy na nagbabanta sa Hainan Island.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 560 kilometers sa kanluran-hilagang-kanluran ng Laoag City.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot ng 95 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 120 kph.
Bukas ng umaga, inaasahan ang bagyong Juaning ay nasa layong 270 kilometer na ng timog-kanluran ng Hongkong.
(source: Bombo Radyo)