By Bernard Taguinod, Abante Online Kahit hindi sa kanyang administrasyon nangyari ang katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kundi sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang malalagay sa kahihiyan kapag hindi nito naipakulong nang tuluyan si dating AFP comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia at mga kasabwat nito sa pagnanakaw umano sa kaban ng bayan. Ito ang babala nina Gabriela partylist Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus lalo na’t parami na nang parami ang mga ebidensya at testimonya na magdidiin sa grupo ni Garcia. |