By Bernard Taguinod, Abante Online Kailangang lakasan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kanyang panalangin para pumabor sa kanya ang magiging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kanyang petisyon na nagpapatigil sa Kongreso sa pagdinig sa kanyang impeachment case. Ayon kina House justice committee chairman Neil Tupas Jr., at House deputy speaker Erin Tanada, inaasahan na sa susunod na linggo ay ilalabas na ng Kataas-Taasang Hukuman ang kanilang pinal na desisyon sa kaso ni Gutierrez. |