Thursday, May 2, 2013

2nd investment grade sa Pilipinas ibinida ng Palasyo


Ipinagmamalaki ngayon ng MalacaƱang ang ikalawang credit upgrade mula sa Standard & Poors’ kung saan binigyan ang Pilipinas ng investment grade rating.


Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, patunay itong epektibo ang mga repormang pinasimulan ng Aquino administration.

Ayon kay Lacierda, malaking bagay ang investment grade para mabawasan ang interes o bayarin sa pag-utang.

Pakikinabangan daw ito sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital at imprastrakturang pinopondohan ng mga utang panlabas.

Unang nagbigay ng investment grade rating sa bansa ang Fitch.

"We welcome the upgrade, not just as the latest institutional affirmation of the Aquino administration’s good governance initiatives: it also helps enable lower costs for borrowing, which equals lower costs for hospitals, schools, and other vital structural improvements for the benefit of our people," ani Lacierda.

Source : Bomboradyo