TAIPEI - Kinumpirma ngayon ng Taiwan na nakapagtala na sila ng unang kaso ng nakamamatay na H7N9 flu virus.
Ayon sa Centers for Disease Control (CDC), tinamaan ng nasabing virus ang isang 53-anyos na lalaki na nagtatrabaho sa lungsod ng Suzhou sa China.
"This is the first confirmed H7N9 case in Taiwan who was infected abroad," wika ni Health Minister Chiu Wen-ta.
Sinabi ng biktima na hindi naman siya lumapit sa poultry at hindi rin kumain ng mga under-cooked na mga manok habang nasa China.
Dahild dito ay mino-monitor na rin ng Taiwanese authorities ang nasa 139 katao na nagkaroon ng kontak sa biktima kabilang ang 110 hospital workers sa tatlong ospital.
Kamakailan lang nang katayin ng mga otoridad sa Taiwan ang mahigit 100 manok na nasabat sa fishing port mula China.
Sa ngayon ay 108 na ang kaso ng bird flu virus sa China at 22 rito ang tuluyang binawian ng buhay. (CNA)
Source : Bomboradyo