Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, March 19, 2013

LeBron James Score 37 points, nanguna sa 23rd-straight victory ng Miami Heat kontra Celtics (VIDEO)






BOSTON -- Sa pang-23 magkasunod na laro, muling nagtala ng panalo ang defending champion na Miami Heat sa laro kontra Boston Celtics; 105-103.


Maalala na inamin ni Heat coach Erik Spoesltra na malaking hamon sa kaniyang koponan ang Celtics na pumutol sa 22nd consecutive wins ng Houston Rockets noong 2007-2008 season.

Gumawa ng 37 points at 12 assists si LeBron James para pangunahan ang panalo ng koponan.

Si Mario Chalmers ay mayroong 21 points habang 16 points naman ang ambag ni Dwayne Wade.

Para sa Celtics, tinanghal na best performer ng laro si Jeff Green na gumawa nang kabuuang 43 points.

Ngayong season, tatlong beses pa lamang nagharap ang Heat at Celtics, kung saan sa opening night ay tinalo ng Miami ang rival team sa iskor na 120-107, pero sa pangalawang laro, natalo ang Heat sa double-overtime at sa iskor na 100-98.

Miami Heat Rally to Win 23rd Straight Game (VIDEO)


{source}