Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Monday, March 18, 2013

Lalaki, Patay matapos tumalon sa 29th flr. ng gusali sa Makati






NAGKALASUG-LASOG at nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng isang lalaki matapos tumalon mula sa 29th floor ng Asian Mansion II sa Dela Rosa St. Legaspi Village, Makati City.

Bandang alas-9:50 kagabi nang mangyari ang pagpapakamatay ng hindi pa nakikilalang biktima — tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45, may taas na 5’4, katamtaman ang pangangatawan at Asian looking.

Bago lumagapak sa ground floor sinasabing sumabit pa sa high tension wire ang katawan nito.

Bagama’t sinasabing nagpatiwakal ito ay patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Dinala na ngayon sa Veronica Funeral Parlor sa Pasay City ang bangkay nito.

Source : ZXL 558MHz - RMN Manila