Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, February 20, 2013

Pinoy arestado sa Hawaii dahil sa pagnanakaw sa 5 star Hotel






LAOAG CITY – Isang Ilokano sa Hawaii ang inaresto ng mga kasapi ng Maui Police matapos umanong ninakawan ang mag-asawang nag-check-in sa five star hotel na pinagtatrabahuan ng suspek.


Kinilala ni Mr. Manny Pascua, dating kasapi ng media sa lungsod ng Laoag ngunit kasalukuyang naninirahan sa Hawaii, ang suspek na si Johnby Bueno, nasa hustong edad, may asawa, houseman sa Grand Wailea Hotel sa Maui at tubong Ilocos Norte.


Dahil dito, sinampahan ng kasong second degree theft si Bueno ngunit agad namang nakalabas matapos magpiyansa sa halagang $1,0000 dollars.


Itinakda naman ang pagbasa ng sakdal sa suspek sa Marso 14.


Continue reading at Bomboradyo