Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, February 20, 2013

Petron Blaze Defeat Meralco Bolts, 88-86






Nakalusot ang Petron Blaze Boosters mula sa fourth quarter collapse matapos talunin ang Meralco Bolts, 88-86.

Sa apat na laban ng Boosters, tatlo sa mga ito ang kanilang naipanalo.

"After I saw our schedule before the start of the conference, our goal was to go 3-1 at this point and we got to our goal," wika ni Petron head coach Olsen Racela.

Mula sa 22 point-lead na kalamangan ng Petron Blaze, nagawang humabol ang Bolts.

Ngunit ang performance ni Renaldo Balkman ang naging susi sa panalo ng Boosters.

Umiskor si Balkman ng 26 points at 11 rebounds.

Sa panig ng Meralco ang kanilang import na si Eric Dawson ay nakapagtala ng 24 puntos.

PBA: PETRON BLAZE BOOSTERS VS MERALCO BOLTS - 20 FEBRUARY 2013 - Replay