Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Tuesday, February 12, 2013

Fx Robbery byaheng EDSA Munoz to Novaliches






Share ko lang sa mga kapwa ko commuters. Biktima po ako ng holdap sa fx byaheng EDSA Munoz to Novaliches sa may Waltermart Munoz noong January 30, 2013 mga 8:30pm. Dalawang lalake po ang gumagala dun na nagpapanggap na commuters din sasakay ng fx at mag dedeclare ng holdap gawing Pugad Lawin.


Nabalitaan kong naulit uli ang panghoholdap nila last friday lang, Feb. 8, 2013, dun din sa lugar na yun sa ganung istilo din. Baril po ang gamit nila at babantaan kang patayin pag di mo binigay gusto nila. Sa mga taong katulad nila na di patas sa buhay at masasabi nating salot ng lipunan. Kukunin ang gamit perang pinaghirapan ng iba.

Magsilbing babala po sana to sa mga kapwa ko commuters at sana mahuli ang dalawang ito. Isang lalakeng malaki ang katawan may pagkakalbo at palaging nakacap may bibit siyang bag at ang kasama niya ay lalaking matangkad medyo mahaba ang buhok at lubog ang pisngi may bag ding bitbit. Magingat po tayo palagi.

Source: Kenneth Cabrera